Jobs fair sa Marikina ilulunsad sa Nobyembre 16

UPANG makatulong sa mga indibidwal na naghahanap ng trabaho, ang lokal na pamahalaan ng Marikina sa pamamagitan ng Labor Relations and Public Employment Service Office (LRPESO), katuwang ang St. John Bosco Institute of Arts and Sciences ay magdadaos ng jobs fair sa ika-16 ng Nobyembre mula ika-8 ng umaga hanggang ika-3 ng hapon sa Marikina Sport Park.

Ang job fair na ito ay lalahukan ng may 10 kumpanya na naglalayong tumanggap ng mga  aplikante para sa  mga posisyong kinakailangan sa mall at opisina. Ito rin ay bahagi ng

pagdiriwang ng Founder’s Day ng nasabing institusyon.

“Inaasahan natin na maramin sa ating mga residente ang magkakaroon ng oportunidad na magkaroon ng trabaho. Ito ay malaking tulong sa mga Marikenyo upang makatulong sa kanilang pamilya,” wika ni Mayor Del De Guzman.

Samantala, sa Sabado naman, ika-17 ng Nobyembre ay magkakaroon rin ng isa pang jobs fair na isasagawa sa  Calumpang National High School mula ika-8 ng umaga hanggang ika- 2 ng hapon.

Ang proyektong ito ay bunga ng pakikipagtulungan ng Calumpang National High School’s Parent-Teacher Association (PTA) at lalahukan ng may 20 kumpanya na naghahanap ng mga aplikante  para sa mga posisyong kailangan din sa mga mall at opisina.

Ang mga interesadong aplikante para sa mga nasabing jobs fair ay pinapayuhang magdala ng mga sumusunod na dokumento: resume o biodata, at photocopy ng police clearance at birth certificate. Pinapayuhan din ng LRPESO ang mga aplikante na magsuot  ng angkop na damit sa paghahanap ng trabaho para sa job interview na isasagawa rin sa naturang mga araw.

Para sa iba pang impormasyon tungkol sa jobs fair sa lungsod ng Markina, maaaring makipag-ugnayan sa LRPESO sa numero bilang (02) 681-9277.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply