Jodi at Juday magsasanib-pwersa!

jodi

SIMULA ngayong Lunes (Nobyembre 12), bago na ang timeslot ng no.1 daytime teleserye ng bansa na “Be Careful With My Heart” na pinagbibidahan nina Jodi Sta. Maria at Richard Yap.

Eere na ito tuwing 11:15am, pagkatapos ng cooking reality show ni Judy Ann Santos na “MasterChef: Pinoy Edition,” na mapapanood sa ganap na 10:30am.

Samantala, base sa datos ng Kantar Media para sa buong buwan ng Oktubre, no.1 daytime TV program pa rin sa buong Pilipinas ang “Be Careful With My Heart.” Sa taglay nitong 23.3% average national TV rating, naungusan pa ng love story nina Maya (Jodi) at Sir Chief (Richard) ang primetime teleseryes ng GMA na kahit isa ay hindi nakapasok sa listahan ng top 15 programs nationwide.

Huwag magpahuli sa pinakapinag-uusapang nakakikilig at nakatutuwang no.1 daytime TV program sa buong bansa, “Be Careful With My Heart,” araw-araw, sa bago nitong oras, 11:15am, bago mag-“It’s Showtime,” sa ABS-CBN.

Samantala, mapapanood naman ang “Be Careful With My Heart Sabado Rewind” tuwing Sabado, 10am, bago mag-“It’s Showtime.”

***
Composer ng Pusong Bato ninakaw ang sariling komposisyon

SI Renato dela Rosa, composer ng “Pusong Bato” ay gumawa nang nasabing awitin kabilang na ang ilan pang komposisyon. Ibinenta niya ito sa recording artist na si Aimee Torres taong 2003.

Ngunit ipinilit umano nitong si Renato sa huli na maliban sa naturang awitin ay bilhin na rin pati na ang iba pa niyang komposisyon para mas malaki ang perang makukuha niya.

Sa madaling sabi, nagkapirmahan nga at sa halagang 140,000 ay pag-aari na ni Aimee mga likhang awit nito. Pero sa pagkakatanda namin, may probisyon sa batas na kapag may nangyaring masama sa indibidwal na bumili ng komposisyon ay babalik sa kompositor ang rights nito. Pero malabong mangyari ‘yun dahil napakabata pa ni Aimee.

Anyway, sumikat ang nasabing awitin nung 2003. Katunayan, naging Top 2 pa ito sa top musical countdown ng mga radio stations, at umabot din sa 1.7 million ang hits sa YouTube ng song na ‘to ng dalaga.

Nung sumunod na mga taon, sa matinding paghanga ng isang fan sa dalaga at sa awitin nito ay kinanta niya ito, at sa sobrang taas ng pagkanta nito ay pumiyok pa ito, at ‘yun ang in-upload niya sa Youtube na umani rin ng ilang milyong views.

Dahil dito, muling nagtuloy-tuloy ang pagsikat ng “Pusong Bato”. Rito na naisipan ni Renato na i-record ang kantang ito sa sarili niyang version.

Nagkausap naman daw sila tungkol rito ng executive producer ng album ni Aimee na si Mr. Manuel Torres na tatay din ng recording star.

Sabi ni Dela Rosa, pagbigyan naman daw siya dahil ito na raw ang pagkakataon niya para mag-shine. Palibhasa kaibigan ng pamilya Torres ang composer na ito at dala na rin nang awa dahil naghihirap umano ito kaya pinagbigyan nila.

Ang masama lang, tuluyan nang inari ng Renato na ‘to ang kanta at siya pa umano ang original singer. At sa sobrang kakapalan ng pagmumukha nito, sinasabi nitong hindi raw niya ibinenta ang song na ‘to kay Aimee at wala raw siyang pinipirmahang kontrata.

Nakahihiya siyang mapabilang sa mga matitino at magagaling na kompositor ng bansa. Paano pa siya pagtitiwalaan kung ganyan ang kanyang drama. At ayon pa sa nalaman namin, gawain na pala talaga ng composer na ‘to ang akuin ang hindi kanya.

Maging itong pangalang “Alon” na siyang ginagamit niyang pagkakakilanlan bilang singer ay kinuha rin pala umano nito sa komposisyon nitong Alon na pinasikat din ng isang singer nung early 90s kung saan outright ding binili ang komposisyon niya. Laban o bawi, huh!

May plano ang pamilya ni Ms. Torres na idemanda ang nabanggit na composer. At para patunayang siya ang original singer ng monster hit na Pusong Bato, muli niyang inilabas ang kanyang album na idi-distribute ng Star Records.

***

Para sa inyong opinyon at reaksyon, tumawag lamang o magtext sa #09074582883 at #09351851227 o kaya’y mag-email sa kuya_abepaul@yahoo.com. Mabalos!

 

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply