Judgement day Diyos lang ay may alam kung kailan – CBCP

TANGING ang Panginoon lamang ang nakakaalam kung kailan magugunaw ang mundo. Ito ang iginiit ni Monsignor Joselito Asis, secretary general ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), kasunod ng Mayan prediction na malapit na ang “end of the world”, “final Judgment” o “Christ’s second coming” sa petsang ‘12-12-12 o 12-21-12’ o sa Disyembre 2012.

Ayon kay Asis, ang Mayan prediction hinggil sa pagsapit ng “doom’s day” sa susunod na buwan ay patunay lamang na peke ang anumang mga prediksyon sa pagkagunaw ng mundo, na ilang ulit na aniyang hinulaan.

Kaugnay nito, pinaalalahanan pa nito ang mga mananampalataya na ang “Christ’s second coming” sa “judgement day” ay isang “certain uncertainty.”

Gayunman, sinabi ni Asis na ang doom’s day ay dapat na magsilbing paalala sa mga tao na maghanda sa sandaling muli nating makakapiling ang Poong Lumikha.

Binigyang-diin din nito na walang eksaktong petsa ang muling pagdating ni Hesukristo ngunit tiyak aniyang magaganap ito kaya’t kailangang laging handa ang lahat.

“Prediction on the end of the world dates back to the early Christian communities because of their anticipation of Christ’s second coming and the final judgment day. It will surely happen but only God knows when,” paliwanag ni Asis.

“This should serve as a wake-up call for us to prepare ourselves. No one knows when is the exact date and time of Christ’s second coming but it is sure to happen so we always have to be prepared,” aniya pa.

Ipinaliwanag din ng CBCP official na hindi dapat katakutan ng mga mananampalataya ang pagdating ni Hesus at sa halip ay dapat na magsisi ang lahat sa kanilang nagawang kasalanan at ituwid ang kanilang mga pagkakamali para maging handa sa pagsalubong sa Diyos.

“Why should we feel afraid of meeting our Creator? Somebody who is not sinful would be ready to face God anytime,” aniya.

“This is why we should start to repent and convert just as we are being called to do especially during the season of Advent to prepare ourselves not only for Christ’s first coming in his birth, but also for his return,” pagtatapos pa niya.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply