Just a phone call away

PASAPORTE-BY-JR-LANGIT

YOU may not realize it now, but one of our greatest fears is that of having a dreaded disease and not having the money or health insurance to pay for treatment.

Sino nga ba ang hindi nagnanais na umunlad at magtagumpay sa buhay?

Ang bawat isa ay naghahangad na maging matagumpay sa kanya-kanyang larangan at karera na tinatahak, Subalit mayroon nga bang sikretong formula na maaring gamitin upang matiyak ang tagumpay na hinahangad?

Sa bansang Indonesia ay nakilala ko ang kababayan nating si Jun Buensuceso – isa sa pinakamatagumpay na Pinoy OFW roon.

Pagbebenta ng mga produkto ng kompanyang dati niyang pi-napasukan ang unang trabaho ni Jun. “My former company was Procter and Gamble Philippines. I was in the sales department,” pasimula niya.

Bagama’t tubong Maynila, maraming nang lugar ang napuntahan si Jun dahil na rin sa nature ng kanyang trabaho.

“I was actually in sales when working in P&G. First I was given an assignment in Central Luzon and Northern Luzon, then eventually in Northern Mindanao. So I was based in Davao and Cagayan de Oro. So we were moving around,” pahayag niya.

Kuntento at masaya na siya sa kanyang trabaho nang hindi inaa-sahang oportunidad upang makarating sa ibang bansa ang dumating sa kanya – inalok siya ng kompanyang pinapasukan niya upang magtungo sa Indonesia at doon magtrabaho.

Aniya, noong una ay inisip niyang tanggihan ang alok na iyon, subalit tila sadyang nakatadhana na makarating siya ng Indonesia. “

I didn’t really expect that I will be given a foreign assignment because at  that time I was thinking that maybe it will be best to settle in Manila already. Honestly speaking I am one phone call away from rejecting that offer from my superiors back in Manila. But I think fate would have it this way so I was not able to make that phone call,” kuwento niya.

Tatlong taon lamang ang kontratang pinirmahan niya at sa loob ng mga panahong iyon ay nakita niya ang magandang oportunidad sa nasabing bansa kung kaya’t nagdesisyon siyang doon na mamalagi, kasama ang kanyang pamilya.

Sa kasalukuyan ay mahigit dalawampung taon nang naninirahan at nagtatrabaho sa Indonesia si Jun, isa na siyang director for sales and operation sa isang Indonesian pharmaceutical company.

Masasabing malayo na nga ang narating niya, buhat sa pagiging isang dating empleyado siya ngayon ay isa ng asensado.

Napag-aral at napagtapos niya sa magandang eskuwelahan ang kanyang mga anak at kahit sa ibang bayan na sila naninirahan hindi pa rin nila nalilimutan ang lahing kanilang pinagmulan.

Minsan ang pag-asenso sa buhay ay hindi lamang bunga ng sipag at tiyaga, sapagkat may mga pagkakataon din na kailangan ang tamang pagdedesisyon.

May mga pagkakataon na iba ang gusto nating mangyari, ngunit gumagawa ng paraan ang kapalaran upang maihatid tayo sa mas magandang kinabukasan, katulad ng nangyari kay Jun na minsang nagnais na tanggihan ang magandang kapalarang naghihintay sa kanya sa Indonesia. Sabi nga niya ‘he was just a phone call away from rejecting the offer to work abroad’, na naging susi sa kanyang tinatamasang tagumpay ngayon.

*******

Sa iba pang istorya ng buhay ng ating mga kababayan over-seas, tumutok lamang sa Biyaheng Langit at Kasangga Mo Ang Langit sa IBC13 tuwing Huwebes, 11:30 ng gabi.

Bisitahin ang Facebook fan page: BIYAHENG LANGIT/KASANGGA MO ANG LANGIT.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply