Justice on Wheel inilunsad sa Quezon City

NANGUNA si Chief Justice Maria Lourdes Sereno kasama ang ilang opisyal ng pamahalaang lungsod Quezon sa pagpapasinaya sa  muling paglulunsad ng mas pinaigting at pinalakas  na Enhanced Justice on Wheels (EJOW) para sa mga kapus palad na may problema sa mga kaso sa korte na sinimulan sa Quezon City Hall ground kahapon.

Sinabi ni CJ Sereno layunin din ng programa na mabawasan ang mga nakatambak na kaso sa  mga mabababang korte at mailapit  sa mahihirap ang hustisya.

Laking pasalamat ni  CJ Sereno na inilaang tulong ni Quezon City Mayor Herbert Bautista sa paglalaan ng pondo nito na aabutin  sa  P100 million para sa pagtatayo ng panibagong gusali ng hall of justice sa loob ng compound at karagdagang P30 million pa  para naman sa pagkukumpuni sa lumang gusali ng justice hall.

Kaugnay nito, nanawagan si Sereno sa iba pang lokal na pamahalaan na gayahin ang kanilang ginawa at tumulong para makamit ang pangmatagalang pagbabago sa hudikatura at masiguro na magiging maayos at naayon ang paggagawad ng hustisya sa mga nagkakasala.

Bilang bahagi ng pagbabago ng sistema sa hudikatura, ayon kay Sereno hindi na aniya kakailanganin pa ang testimonya ng mga pulis tuwing direct examination para

mabawasan ng kalahati ang kinokonsumong oras .

Plano rin na gawing computerize ni Sereno ang sistema para magkaroon ng kompletong information at data ng mga kaso sa korte

Sa ganitong sistema aniya mapapadali na ang pagkuha ng mga impormasyon sa pamamagitan ng computer para matutukan ng husto ang mga kaso habang masusubaybayan pa ni CJ Sereno ang trabaho at galaw ng mga hukom sa rehiyon at sa metropolitan trial courts .

Dahil dito hiningi muli ni CJ Sereno ang tulong ni Vice-Mayor Joy Belmonte para maiparating sa kanyang amang si House Speaker Feliciano Belmonte Jr. na madagdagan ang budget ng hudikatura na aniya ay halos  .78 percent lamang ng kabuuang pambansang budget.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply