K+12, hindi minadali – Rep. Angara

rep.-angara

ITINANGGI ng ilang kongresista na minadali ang House Bill 6643 o K+12 bill sa Bicameral Conference Committee matapos itong palusutin kagabi.

Sa isang press conference, idinepensa ni Aurora Rep. Sonny Angara, chairman ng Higher and Technical Education Committee, ang nabanggit na panukala sa pagsasabing dumaan ito sa 12 regional consultations.

Aniya, napapanahon ang K+12 dahil ilang taon na itong nakabinbin bukod pa aniya sa tanging ang Pilipinas na lamang sa Asya ang walang ganitong programa.

Sa ilalim aniya ng programang ito ay magiging competitive ang mga estudyanteng Pinoy sa paghahanap ng trabaho lalo na at maliit na ang demand sa mga trabaho na maaaring pasukan ng mga highschool graduates

Samantala, tiniyak naman ni Education Assistant Secretary Tonisito Umali na handa na sa full blown implemetation ng k+12 program ang Department of Education.

Ipinaliwanag ni Umali na hindi na sila mahihirapan sa implementasyon ng k+12 dahil bago pa man ito aprubahan sa Kongreso ay unti-unti na ang pagpapatupad nito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply