Kabataan kakatawanin ni Leonen sa SC

INIHAYAG ni Supreme Court Associate Justice Marvic Leonen na kanyang ire-represent ang mga kabataan sa Kataas-taasang Hukuman.

Ginawa ng mahistrado ang pahayag pagkatapos ng kauna-unahang flag raising ceremony ng Supreme Court na kanyang dinaluhan kasama ang walong iba pang justice kanina sa quadrangle ng SC.

Nabatid na ikalawang pinakabatang mahistrado si Associate Justice Leonen, na naitalaga sa kasaysayan ng korte, ay nagsabing siya ang kinatawan ng youth sector sa pinakamataas na hukuman.

Binigyang-diin din ni Leonen ang kahalagahan ng kooperasyon upang matamo ng mataas na tribunal ang kanilang layunin o target.

Bukod kay Justice Leonen, kabilang sa mga dumalo sa flag ceremony ay sina Chief Justice Maria Lourdes Sereno, Associate Justices Presbitero Velasco, Arturo Brion, Mariano Del Castillo, Roberto Abad, Martin Villarama, Jose Perez at Jose Mendoza.

Magdiriwang ng ika-50 kaarawan si Leonen sa December 29 na maglilingkod ng 20 taon bilang Associate Justice ng Supreme Court.

Siya lamang din ang natatanging justice ng SC na may Twitter account.

Sa kanyang tweet noong Nob. 24, 2012, sinabi ni Leonen na binubuo na niya ang kanyang staff ng mga abogado at paralegals.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply