Kabataan Party-list binatikos ng Comelec

BINATIKOS ni Commission on Elections (Comelec) Sixto Brillantes, Jr. ang Kabataan party-list dahil sa atrasadong pagkuwestiyon sa itinakdang deadline ng voters’ registration matapos na ihain ang petisyon sa mataas na hukuman dalawang araw na lang bago ang deadline.

Una nang iginiit ng Kabataan party-list na illegal ang pagtatakda ng Comelec ng mas maagang deadline dahil dapat umanong hanggang Enero 12, 2013 pa ang voters’ registration.

Ipinaliwanag ni Atty. Terry Ridon, national president at legal president ng naturang grupo, batay sa itinatadhana ng batas ay dapat na payagan ang publiko na magparehistro hanggang sa pumatak ang 120 day prohibited period.

Matatandaang Oktubre 31 ng pormal nang isara ng Comelec ang voters’ registration at sinabing naabot naman nila ang target na makapagtala ng may 50 milyong registrants para sa 2013 midterm elections

Sa kabila nito, kumpiyansa ang Comelec na hindi na pagbibigyan pa ng Korte Suprema ang kahilingan ng ilang grupo na palawigin pa ang voters’ registration para sa 2013 midterm elections.

Naniniwala si Comelec Chairman Sixto Brillantes, Jr. na nauunawaan ng Mataas na Hukuman ang kanilang panig kung bakit kailangang hanggang Oktubre 31 lamang ang voters’ registration.

Nangangamba si Brillantes na kapag pinalawig ang voters’ registration hanggang sa Disyembre ay posibleng maulit lamang ang naganap noong taong 2009 na wala rin namang masyadong epekto dahil kakaunti pa rin ang nagparehistro na umaabot lamang sa mahigit 200.

Iginiit pa ni Brillantes na isang taon nang pinagtibay ng en banc ang kanilang resolusyon na gawing Oktubre 31 ang permanenteng deadline ng voters’ registration dahil kailangan nila ng mas maraming oras para sa paghahanda sa nalalapit na eleksiyon.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply