Kahalagahan ng oras at panahon

“Time is gold!”

Kung magagawa na ngayon ay h’wag nang ipagpabukas pa, ‘yan ang pangaral ni Aida Baybayan-Bungue sa programang “Health & Travel @ Serbisyo Publiko” sa pangalawang segment “Payo at Aral, Mula sa Amin Para sa Inyo”.

Isang napakagandang gawain ang pagbibigay ng halaga sa bawat minuto at oras na lumilipas sa buhay natin. Sinasabi ng mga nakatatanda na ang nagdaang sandali sa buhay ng bawat isa ay di – na kailan man maibabalik pa. Wika nga nila, “Opportunity knocks only once,” at kapag nangyari iyon grab mo kaagad ito, dahil hinding – hindi na mauulit pa.

Kapag isasakaysay mo ang mga pangyayari tungkol sa buhay natin, kailan man di – na tayo babalik pa sa muling pagkabata. Lahat ng nagdaan sa buhay natin mula sa pagkabata na di – mo man lang pinahahalagahan ay di – na mababalik pang muli, upang ito ay ulitin at baguhin.

Halimbawa nito ay ang edukasyon na pilit na ibinibigay sa iyo ng iyong magulang upang ikaw ay umunlad sa buhay. Napakaraming nangyayari, sapagkat hindi nila pinahalagahan at pinansin ang pag-aaral noong sila ay bata pa at, nagresulta ito sa di – nila pagkakatapos ng kanilang pag-aaral kaya sila ay walang narating at naging mahirap ang kanilang buhay.

Wika nga nila “Nasa huli ang pagsisisi, subalit kahit ano pa man ang gawin nila hindi na nila maibabalik pa ang mga oras na hindi pinahalagahan at nasayang lamang.

Nagmamadali ang bawat minuto sa buhay ng bawat tao. Kailangan ng masusing pagmamatyag at pagpapaunlad sa buhay ng bawat isa, pahalagahan at pagsikapang matamo ang lahat ng nais matupad sa buhay na ito, ng may pagpapahalaga sa bawat minutong lumilipas sa ikauunlad ng iyong buhay.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply