Kaibigan ng pinaslang na ABS-CBN talent, susi sa krimen

SUSI ng pulisya ang isang babaeng kaibigan ni Julie Anne Rodelas, na isang ABS-CBN talent at modelo para malutas ang karumal-dumal na pagpatay dito.

Sinabi ni Chief Inspector Rodelio Marcelo, hepe ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU), na malaki ang maitutulong ni Althea Altamirano para malutas ang pagpatay kay Rodelas, 20-anyos, isang Arellano University student at residente ng Las Piñas City.

Bukod sa kasama ni Altamirano si Rodelas nang dukutin ito ng tatlong hind nakikilalang armadong kalalakihan sa Mall of Asia sa Pasay City noong Lunes ng gabi, siguradong kilala rin nito o mamamukhaan nito ang mga salarin na sakay sa isang kulay asul na Mitsubishi Montero.

Sinubukan kontakin ng lalaking kapatid ni Altamirano ang kanyang kapatid pero tila inalis na nito ang sim card ng kanyang cellphone dahil itoay out of reach na.

Natagpuan ang bangkay ni Rodelas na nakahandusay sa gilid ng kalsada sa may 18th Street, Murphy, Cubao noong nakaraang Martes ng madaling araw na may tatlong tama ng bala sa katawan. Tinulak ito palabas ng naturang SUV bago pinagbabaril.

Naniniwala si Marcelo na kaya biglang nagtago si Altamirano o nawala sa sirkulasyon ay dahil may alam ito kaya pinatay si Rodelas ng mga suspect.

Bukod naman sa magiging papel ni Altamiranosa naturang kaso, hawak na rin ng CIDU ang CCTV footages na nagpapakita kung paano pinatay si Rodelas at kung ano ang plaka ng SUV na minamaneho ng mga suspect.

Kaugnay nito, nagdududa naman ang pamilya Rodelas na may naglilihis sa imbestigasyon ng kaso ng pagpatay sa kanilang mahal sa buhay.

Ayon sa pamilya Rodelas, tila may nagmamaniobra ng kaso para maikubli at hindilumutang ang pagkakakilanlan ng mga tunay na salarin.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply