Kakayahan ng PHL, sinusubok ng China

china-boat

TILA sinusubok ng bansang China ang Pilipinas dahil ayaw nitong iatras ang kanilang tatlong barko na nananatili sa Bajo de Masinloc na nagbabantay sa karagatan ng Zambales.

Ayon kay Department of Foreign Affairs Secretary Alberto de Rosario, pitong buwan nang umatras ang mga barko ng Pilipinas pero hindi pa rin iniaatras ng China ang kanilang barko.

Sinabi ni del Rosario na patuloy ang kanilang panawagan sa China na i-respeto ang exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas at i-atras na ang mga barko nito sa naturang lugar na tahasang pambubully ng mga ito sa bansa.

Sa kanyang lecture seminar sa Baguio City, hinimok ng kalihim ang mga kadete ng Philippine Military Academy (PMA) na manindigan kung ano ang tama at ipaglaban ang teritoryo ng Pilipinas o ang West Philippine Sea.

Magugunitang Abril pa nitong taon nang magkagirian sa Bajo de Masinloc ang dalawang bansa matapos angkinin ng China na bahagi ito ng kanilang teritoryo.

Bukod dito, inalmahan ng Pilipinas ang pagsama ng bansang China sa West Philippine Sea sa kanilang mapa na makikita sa Chinese passport.

Iginiit ni DFA Secretary Albert Del Rosario na dapat bigyan ng respeto ng China ang teritoryo ng Pilipinas sa pagangkin nito sa West Philippine Sea.

Sinabi pa ni Del Rosario na hindi tinatanggap ng Pilipinas ang validity ng ‘nine-dash line’.

Kasabay nito, tiniyak ni Lacierda na nanatiling vigilant ang DFA para protektahan ang interes ng Pilipinas sa international forum.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply