Kampanya ng DOH vs paputok puspusan na

paputok

PUSPUSAN na ang pagpapalakas ng kampanya ng Department of Health laban sa paputok o APIR (Aksyon Paputok Injury Reduction) ngayong nalalapit na ang Pasko at Bagong Taon.

Sa ginanap na pulong balitaan sa DOH, katuwang ng Kagawaran sa naturang kampanya ang Interiror and Local Government, Philippine National Police, Bureau of Fire Protection, mga lokal na pamahalaan, Department of Education, Metro Manila Development Authority, EcoWaste Coalition, Department of Trade and Industry, Philippine Information Agency at media.

Ayon kay Health Secretary Enrique Ona, sa unang linggo ng Disyembre ay aarangkada na ang APIR na target na mas mapababa ang kaso ng mga nabiktima ng paputok ngayong taon.

Ito aniya ay maisasakatuparan sa pamamagitan ng iba’t ibang kampanya at adbokasiya sa radyo, telebisyon, dyaryo at maging sa social network o internet.

Naniniwala ang kalihim na kung susuportahan ng nakararami ang APIR ay posibleng maiwasan ang pagtaas ng bilang ng mga nabibiktima ng mga paputok.

Batay sa datos ng DOH, umabot sa 1,021 kaso ang biktima ng paputok noong isang taon. Sa naturang bilang, 987 ang itinututring na biktima na may kinalaman sa paputok, 29 ang biktima ng ligaw na bala ng baril, 5 ang fireworks injestion.

Apat sa mga biktima ay namatay na isa dito ay tinamaaan ng ligaw na bala ng baril.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply