Kampanya ni Biazon vs illegal drugs wagi

ALINGAWNGAW_Alvin-Feliciano_WEB

PANALO ang kampanya ni Bureau of Customs (BoC) laban sa iligal na droga sa bansa matapos umabot sa halos kalahating bilyon pisong halaga ng assorted na ipinagbabawal na gamot ang kanilang nakumpiska ngayong taon.

Sa rekord ng BoC, malinaw na ngayong taong 2012 naganap ang pinakamalaking kumpiskasyon ng ipinagbabawal na gamot sa naturang ahensiya ng gobyerno dahil malinaw sa kanilang datos na noong taong 2011 ay umabot lamang sa halagang P42 milyon habang noong 2010 ay umabot naman sa P265 milyon ang nakumpiskang droga ng naturang tanggapan.

Kung susumahin halos 10 doble ng laki ng nakumpiskang iligal na droga noong 2011 ang nasakote ng BoC sa pamumuno ni Comm. Ruffy Biazon.

Sa pagtatasa ng BoC, umabot sa 63.523 kilo ng shabu, 19 pcs. ng Alprozalam, 8.737 kilos ng cocaine at 19 tablets ng MDMA ang nakumpiska ng mga tauhan ni Biazon ngayong taong ito na tinatayang nasa P462,743,632.21.

Malinaw na tutok si Biazon sa kampanya sa droga dahil hindi makapapayag ang dating kongresista na masira ng ipinagbabawal na gamot ang kinabukasan ng ating mga kabataan. Lumabas din sa report ng BoC, na umabot din sa 15 foreign nationals na karamihan dito ay Asian ang nakasuhan at naipakulong ng BoC.

Binalaan  na rin  ni Biazon ang publiko lalo’t higit ang mga miyembro ng drug syndicate sa bansa na huwag nang magpalusot o mag-at-tempt pa na magpasok ng ipinagbabawal na gamot sa bansa dahil hindi titigil ang kaniyang tanggapan sa pagsawata nito.

Sinabi rin ng commisioner na “all system” go rin ang kanyang tanggapan laban sa mga pagpapasok ng hot goods ngayong kapaskuhan dahil mahigpit ang kanyang tagabulin sa kanyang mga tauhan na magbantay sa lahat ng pantalan sa bansa.

###

Dapat tutukan ng PDEA at PNP  ang pagpasok ng narco-politics sa bansa.

Mukhang pasok na kasi sa iba’t ibang parte ng Pilipinas ang pulitikang may halong pera ng droga.

Isa na kasing “big business” ang droga ngayon sa bansa at mukhang karugtong na nito ang pulitika. Hindi kasi maiaalis na magsabwatan ang politiko at drug lord sa ngayon dahil kailangan nila ang isa’t isa.

Ganyan na ngayon ang sitwasyon sa estado kaya’t dapat maging alerto ang publiko dahil nasa bansa na ang narco politics.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply