Kampanya vs droga, palakasin – Arch. Cruz

NANAWAGAN si Retired Archbishop Oscar Cruz na palakasin ang kampanya at mga operasyon laban sa ilegal na droga sa halip na ibalik ang parusang bitay sa bansa.

Ayon kay Cruz, ito ang nakikitang niyang solusyon para sugpuin ang kriminalidad sa bansa tulad ng dalawang makapatid na nasa ilalim ng impluwensya ng droga nang maganap ang pagpatay sa isang University of Santo Tomas alumna na si Cyrish Magalang sa Bacoor, Cavite noong nakaraang linggo.

Binigyang diin ni Cruz na droga ang ugat ng lumalalang krimen sa bansa na dapat umanong  pagtuunan ng pansin sa halip na ibalik pa ang parusang kamatayan

Aminado ang simbahang Katoliko na kailanman ay hindi naging sapat ang kanilang pangangaral at paliwanag sa kanilang mga parokyano.

Ayon kay Cruz, ito ang dahilan ng panlalamig at pananamlay ng mga Katoliko sa kanilang pananampalataya.

Gayunman, tiniyak ni Cruz na ginagawa nila ang lahat ng paraan para manumbalik at lumakas muli ang pananalig ng kanilang mga parokyano.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply