Kampanya vs high profile drug personalities, pinalakas pa

cuffed

MAS lalo pang paiigtingin ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang kanilang kampanya laban sa mga high profile drug personalities sa buong bansa na kabilang sa listahan ng ahensya.

Kasunod ito ng pagaresto ng mga ahente ng PDEA ang tinaguriang no. 3 target listed drug personality ng ahensya sa syudad ng Davao na si Arlene Brigoli, 40-anyos.

Sa pagkakadakip kau Brigoli, naniniwala si PDEA Director General Undersecretary Arturo Cacdac na ang pag aresto sa mga high-profile drug personalities ay malaking tulong para masawata ang pagkalat ng droga sa kalsada.

Sinabi pa ni Cacdac na ang mga high profile targets ang siyang responsable sa patuloy na paglaganap ng mga illegal na droga sa komunidad kaya dapat silang mailigpit.

Iginiit pa ng opisyal na gagawin nila ang lahat upang mahulog sa kamay ng awtoridad ang mga high profile drug personalities para maikasa ang bansa na maging isang free-drug country.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply