Kampanya vs illegal recruitment sa Cotabato pinaigting

LUNGSOD NG KORONADAL, South Cotabato – Isinusulong ngayon ng Department of Labor and Employment (DOLE) Region 12 ang mas matibay na pagtutulungan ng mga ahensiya ng pamahalaan at ng mga lokal na pamahalaan sa kampanya laban sa illegal recruitment, trafficking in persons, at irregular migration.

Ayon kay DOLE 12 regional director Chona Mantilla, ito ay may kaugnayan sa pagsisikap ng pamahalaan para makamit ang illegal recruitment free-LGUs at mapalago ang kaalaman ng mga residente laban sa mga modus operandi ng mga mga illegal recruiter.

Unang tumugon sa kanilang panawagan ang lungsod ng Kidapawan City.

Sa Martes, Nobyembre 13, pipirmahan ni Mayor Rodolfo Gantuanco at Director Mantilla ang isang memorandum of understanding (MOU) na magpapatibay sa pagtutulungan sa naturang adhikain.

Kasama rin sa pirmahan ng MOU ang Philippine Overseas Employment Administration (POEA), Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), at Commission on the Filipinos Overseas (CFO).

Nakatuon ang kampanya sa pagpapatupad ng mga pagsasanay, orientation at pagsasagawa ng information drive hinggil sa anti-illegal recruitment.

Palalakasin din ang monitoring, surveillance, imbestigasyon at pagdakip ng mga illegal recruiter, pati ang rescue at repatriation ng mga biktima ng illegal recruitment.

Bukod sa Kidapawan, ayong kay Director Mantilla, hinahanda na rin ang MOU signing sa iba pang mga LGU sa rehiyon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply