Kampanya vs paputok, umarangkada na

UMARANGAKADA na ang kampanya ng Department of Health (DOH) Region 10 laban sa mga paputok sa pagsalubong sa Pasko at bagong taon.

Sinabi ni Jun Galvan, tagapagsalita ng DOH Region 10 na layon ng kanilang kampanya na mabawasan ang mga nabibiktima mula sa paggamit ng mga paputok.

Nakatakda namang sumailalim sa isang seminar orientation ang mga magbebenta ng paputok sa Cagayan De Oro City sa Nobyembre 6.

Tututukan ng taskforce na binubuo ng DOH, Philippine National Poilice (PNP), Bureau of fire Protection (BFP) at Department of Trade and Industry (DTI) ang mga nagbebenta ng iligal na paputok.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply