Kampo ni Aga Muhlach, dismayado sa ruling ng judge sa CamSur

DISMAYADO ang kampo ng aktor na si Aga Muhlach kaugnay sa inilabas na ruling ng judge na nagdesisyong paboran ang petistion for exclusion laban sa aktor.

Ayon kay Atty. Romulo Macalintal, hindi niya maintindihan kung bakit kakaiba ang interpretasyon ni San Jose Municipal Trial Court (MTC) Judge Ricky Begino sa ganitong kaso.

Mababaw din umano ang dahilan nitong pagpabor sa petisyon dahil lamang sa maaga nitong pagparehistro sa Commission on Elections (Comelec).

Ayon kay Macalintal, hindi kapani-paniwala na ibinasura ni Begino ang pagiging legal na botante ni Muhlach at asawang si Charlene Gonzales noong Pebrero 2012 kahit na nga tinanggap na ito ng Election Registration Board (ERB).

Hindi rin makapaniwala ang election lawyer sa pagbabalik ni Begino sa naturang sala kahit nagdesisyon na itong mag-inhibit.

Dahil dito, bukod sa pag-apela sa Korte Suprema hinggil sa nasabing desisyon, nais rin niyang ireklamo ang kakaibang desisyon ng huwes sa lugar.

Umaasa pa ang election lawyer na papaboran sila ng korte lalo pa’t alam niyang may karapatan talaga ang kanyang kliyente.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply