Kampo ni ex-Gov. Reyes gustong linawin ang ruling ng CA

NAIS linawin ng kampo ni dating Palawan governor Joel Reyes ang ipinalabas na desisyon ng Court of Appeals hinggil sa ipinalabas na ruling na nagpapawalang-bisa sa findings ng binuong second panel of prosecutors ng Justice department.

Ayon kay Atty. Ferdinand Topacio, nais din nilang malinawan kung ano ang epekto ng nasabing court ruling, lalo na sa umiiral na warrant of arrest laban sa kaniyang kliyente.

Ang dating gobernador at kapatid nitong si Coron Mayor Mario Reyes ay siyang tinuturong utak sa pagpaslang sa environmentalist at brodkaster na si Gerry Ortega noong Enero 2011 sa Palawan.

Ayon kay Topacio, hihingi umano sila ng “definitive statement” sa Court of Appeals para malinawan ang ipinalabas na ruling na
nagpapawalang-bisa sa findings ng binuong second panel of prosecutors ng DOJ.

Sa panig ng pamilya nang napaslang na broadkaster, sinabi naman ni Atty. Alex Avisado na hindi pa pinal ang naturang desisyon ng
appellate court dahil ito aniya ay kanila ring iaapela.

Binigyang diin pa ng abogado na tuloy pa rin ang kaso laban sa mga pangunahing akusado at umiiral pa ang warrant of arrest laban sa mga ito.

Samantala, pinayuhan naman ni Atty. Topacio ang kliyente na hangga’t hindi pa malinaw ang desisyon ng korte ay mas mainam na magtago na muna ito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply