Kamuntik nang mamatay sa building ni Willie

NILAGYAN na ng bubong ang kalsadang malapit sa kinatitirikan ng building ni Willie Revillame.

Mahigit isang taon din daw ang nagdaan bago nila naisip na maglagay ng proteksiyon sa mga tao at sasakyang dumadaan sa tapat ng gusaling ginagawa. Nagtataka nga ang iba kung bakit ngayon lang nila ito ginawa. Masyado raw malakas sa mga kinauukulan ang TV host/comedian. Nabigyan sila ng building permit gayong kulang pa sila sa requirements.

Anyway, ngayon ay meron na nga itong bubong dahil may aksidente na palang nangyari rito na hindi lang nai-report sa pulis sa hindi malamang kadahilanan. Bale dalawang kotse na pala ang nalaglagan ng debris mula sa tuktok ng ginagawang building, ‘yung isa ay Mercedes Benz pa raw, at meron pang bubong ng isang bahay ang nabagsakan din. Mabuti na lamang at walang taong nadisgrasya.

Kailan ba talaga matatapos ang konstruksiyon nito? Twin building ito pero ‘yung isa lang ang tumataas na mas mataas pa sa ABS-CBN. Ano ang mangyayari sa isa, maiiwan at saka na lang tatapusin? Ang pangit tingnan. Totoo kaya ang tsismis na kinakapos na rin si Willie sa pera?

***

Heart hindi pa sigurado kay Sen. Chiz

MAY mga nagsasabi na masyadong mabilis ang pagsagot ni Heart Evangelista ng matamis na ‘oo’ kay Sen. Chiz Escudero. Hindi man lang daw nagpaliguy-ligoy ang dalaga. Sabagay, kay Daniel Matsunaga ay ganun din naman, nagkaroon agad sila nang relasyon sa maikling panahon lang. Ni hindi nga yata umakyat ng ligaw si Daniel. Nagbakasyon pa sila sa Japan. Pero kung gaano kabilis naging mag-on ang dalawa ay ganun din naman kadaling natapos ang kanilang relasyon.
Hindi kaya ganito rin ang kalabasan ng romansa ni Heart sa Bicolanong senador?

Mukhang nabulag lang ang Kapuso star sa katalinuhan at pagkamaginoo ni Sen. Chiz. Eh, nang matanong nga siya kung pumasok na sa isip niya na mag-settle down with Mr. Escudero, aba’y shocked ang magandang dalaga. “Oh, my gosh!” gulat na reaksiyon nito. “Huwag muna. Wait!
Masyado pang maaga para maisip ko ang tungkol do’n,” dugtong pa nito.” ‘Yun na!

***

Vhong Navarro nagbibigay pugay sa comedy shows

ANG first anniversary celebration ng Toda Max ay pinamagatang “Tribute to ABS-CBN Comedy Shows” para magbigay pugay sa di malilimutang comedy shows ng ABS-CBN. “Kung hindi po dahil sa inspirasyon na ibinigay sa amin ng mga shows na ito, hindi po sana naging ganito katagumpay ang Toda Max,” ani Vhong Navarro na gumaganap bilang ang cook na si Justin Bibbo sa sitcom.

“Nais din po naming magpasalamat sa mga sumusuporta sa Toda Max. Hindi po namin inakala na ganito kalaki ang matatanggap na suporta ng pagbabalik-sitcom ng ABS-CBN. Bukod po sa napalaki namin at napatagal itong sitcom, nanalo pa ang kami sa nakaraang CMMA,” dagdag ni Vhong.

Para sa inyong opinyon at reaksyon, tumawag lamang o magtext sa  #09074582883 at #09351851227 o kaya’y mag-email sa kuya_abepaul@yahoo.com. Mabalos!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply