Kandidatong Ampatuans ipinasusuri ni PNoy

IPINASUSURING mabuti ni Pangulong Benigno Aquino III kina Liberal Party (LP) acting president at DoTC Sec. Jun Abaya, DILG Sec. Mar Roxas at Budget Sec. Butch Abad ang mga kandidato ng nasabing partido sa Maguindanao.

Ayon kay Sec. Abad, hangad ng Chief Executive na malaman kung ano ang naging batayan ni Gov. Toto Mangudadatu sa pagsama sa ilang Ampatuan.

Si Mangudadatu ang binigyan ng kapangyarihan para pumili ng local candidates sa lalawigan.

Sinasabing mas alam ng local leaders ang pulitika sa kanilang lugar at kung sino ang nararapat mapasama sa line-up.

Ang mga kandidato ay sina Sarip Kasan Ampatuan na lalabanan si Zahara Ampatuan sa pagka-alkalde  ng Shariff Aguak; Norodin Masukat Ampatuan bilang alkalde ng Mamasapano town; at Murphy Ampatuan para bise-alkalde ng Datu Hoffer.

Ang mga tatakbo naman sa pagka-konsehal ay sina Johaira Ampatuan Basilan at Mohamadnor Abdilla Ampatuan sa bayan ng Ampatuan; Mohammad Khalid Ampatuan sa Datu Odin Sinsuat; at Liambai Watamama Ampatuan, Norodin Ampatuan Asim at Meriam Ampatuan Ledda sa Shariff Aguak.

Nauna nang inihayag ni Sen. Frank Drilon na dapat bawiin ang nominasyon ng mga nasabing Ampatuan pero iginigiit ng Malacañang na iba ang mga ito sa nasangkot sa Maguindanao massacre.

Matatandaang hayagang pinuna ang pagkakasama sa LP candidates sa Maguindanao sa siyam na miyembro ng pamilya Ampatuan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply