Kapal ng bigote ni Sen. Sotto; reaction sa NCRPO collection

MISMONG anak ni Kennedy ang nagpahayag na dapat humingi ng dispensa si Sen. Tito Sotto sa ginawa nitong pagkopya sa talumpati ng kanyang amang si dating US Sen. Robert Kennedy.

Pero pinagtawanan lang ito ng komedyanteng Senador dahil sa katwirang isinalin naman nila ito sa Tagalog.

Ang kapal naman ng bigote sa mukha mo, Senador, kaya mahirap tablan ng hiya!

Tangna, parekoy, pangalawang insidente na ‘yan na binanatan si Sen. Sotto ng pangongopya pero siya pa ang may ganang magmalaki!

Talagang makapal ang bigote mo, Sen. Sotto. Pwe!

Dahil dito, nagsampa na ng “ethics complaint” sa Senado ang ilang grupo para mabigyang linaw kung talaga bang ok lang ang  “sotto-copying.”

Pero sabi ni Senate Pres. Juan Ponce Enrile, “immune” ang mga Senador sa kanilang speeches sa Senado.

Kaya nga asahan na nating “immune” rin ang kanilang pakiramdam sa kahihiyan!

Bahala nang bansagan tayo sa buong mundo na “sotto-copier” ang ilan nating senador dahil hindi marunong gumawa ng sariling pangungusap!

Ganyan, parekoy, kababa ang uri ng dignidad ng ilan nating onorabol . . .. Huh!

-o0o-

HOY Burdado, sigurado ka ba na may kinalaman si NCRPO Chief sa kolum mo ngayon?

Bakit hindi mo dalhin sa kanyang opisina ‘yang pinagsasabi mo para malaman mo ang hinahanap mo!

Sira ka pala!

Ito pa: Dalhin mo nga sa mesa ni Gen. yan, sinisigurado ko sayo, sibak ang mga ‘yan hindi yung dinijaryo mo pa!

Konting ingat lang kaibigan sa sinusulat ng ‘di makakuha ng kaaway! Mula yan, parekoy, sa CP 09158957472.

Langya naman, may himig pagbabanta ‘yan ha!

Tungkol ‘yan, parekoy, sa isinulat nating umaabot sa P2 milyon ang weekly collection mula sa mga iligalista ng mga tauhan ni Col. Lee na para raw sa opisina ni General Leonardo Espina.

Doon ko raw dapat dalhin ang isyu sa opisina ni Gen. Espina, eh, ‘di ba roon nga raw dinadala yung mga pera?

Baka magpang-abot doon!

Hak, hak, hak!

Ituloy natin bukas, pramis!

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply