Kapalaran ng Akbayan sa 2013 elections, malalaman sa Miyerkules

POSIBLENG malaman na sa Miyerkules ang magiging kapalaran ng Akbayan sa nalalapit na 2013 midterm elections.

Ayon kay Commission on Elections (Comelec) Commissioner Rene Sarmiento, maaaring matapos ang kanilang en banc session sa Miyerkules (Nobyembre 15) ay makapagpalabas na sila ng desisyon kung papayagan ba ang Akbayan na makalahok sa halalan o tuluyang aalisan ng akreditasyon bilang party-list group.

Nauna rito, ilang grupo ang naghain ng petition for disqualification laban sa Akbayan dahil sa hindi na umano ito kumakatawan sa marginalized sector.

Sinabi ng mga petitioners na ilan sa mga miyembro nito ay nakapuwesto na sa gobyerno, kabilang na sina Presidential Political Affairs Adviser Ronald Llamas, Commission on Human Rights Chairman Loretta Ann Rosales, at National Anti-Poverty Commission (NAPC) spokesperson Risa Hontiveros.

Sa ngayon, ay nasa 69 party-list groups na ang diniskwalipika ng poll body, kung saan 45 ang kinansela ang accreditation habang 24 ang hindi binigyan ng rehistrasyon upang maging party-list.

Tatlo sa mga ito ay umapila na sa Korte Suprema.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply