Kapapanganak lang ng misis na sexy actress! Papang singer nakipaglandian na agad-agad sa GRO

blind-item

ANG feeling namin dahil hindi iniwan ng R&B singer na ito ang karelasyong Kapuso sexy actress na pinanindigan pa nga ang batang ipinanganak ng actress kamakailan lang, super honest o faithful na si singer sa kanyang dyowa. ‘Yun pala, walang kamalay-malay si controversial celebrity na niloloko pala siya ng Papang singer.

Yes, naispatan ng ating informant na madalas raw mapasyal sa sikat na bar sa Resorts World Hotel itong si singer habang nakikipaglandian sa isang maganda at sexy GRO roon.

Kaya takang-taka rin ito kung bakit nakukuha pang mambabae ni _______ (pangalan ng singer) eh ang ganda-ganda naman ni aktres na mother na nga ng kanyang panganay. Well, ayaw niya siguro sa mataba. After giving birth kasi to her first child ay talagang lumusog ang pangangatawan ni said actress. Pero sapat na rason ba ‘yun para sumiping sa ibang kandungan ang minamahal na mang-aawit? Clue, si actress ay nagtatago sa initials na KH at KL naman sa dyowang magaling na singer. Kuha niyo gyud! (Di naman labs nung ombre ang mga chicks na pinu-pormahan niya te.

Paraos lang ‘yun since his wife can’t give him what he hankers for! – Ed)

***

Bea guilty sa pang-aakit kay Zanjoe

ANG real-life sweethearts na sina Bea Alonzo at Zanjoe Marudo ang isa sa love teams na bida sa isa sa pitong love stories na tampok sa romance anthology at star-studded celebrity movie event ng taon na handog ng Star Magic at Star Cinema, ang 24/7 In Love na ipalalabas na sa mga sinehan sa buong bansa sa November 21 Wednesday.

Sa kanilang episode na idinerek ni Mae Cruz, gaganap si Bea bilang si Belle, ang babaeng matagal nang in love sa kanyang bading na best friend na si Butch na bibigyang buhay naman ni Zanjoe. Anumang gawin pagpipigil ni Belle, sadyang hindi niya matanggal ang matinding pagmamahal sa kaibigang nakatakdang lumipad sa Milan upang mag-aral sa fashion school at muling makasama ang kanyang boyfriend.

Plantsado na sana ang lahat hanggang sumapit ang gabi na babago sa pagkakaibigan nina Belle at Butch. Mula sa isang aksidenteng halik, lakas-loob na aakitin ni Belle ang kaibigan na pilit namang uunawain ang nagaganap sa kanyang sarili.

Ano kaya ang kahahantungan ng isang gabing pinagsaluhan nina Belle at Butch? Mabubuo kaya ang isang pag-iibigan o mawawasak ang isang magandang samahan?

Bukod kina Bea at Zanjoe, tampok rin sa star-studded romance anthology ang tambalan nina Piolo Pascual, Zaijan Jaranilla, at Xyriel Manabat; Sam Milby at Pokwang; Diether Ocampo at Maja Salvador; Daniel Padilla at Kathryn Bernardo; Kim Chiu at Gerald Anderson; at Angelica Pangilinan at John Lloyd Cruz.

Bahagi rin ng movie, na part ng engrandeng pagdiriwang ng 20th anniversary ng Star Magic, ang iba pang artists nilang sina John Lapus, Maricar Reyes, Jayson Gainza, Matt Evans, Nina Dolino, Joseph Marco, Jason Francisco, Helga Krapf, Andrei Felix, Seppi Borromeo at Ian Rusell.

Ito ay sa ilalim ng direksyon ng apat sa pinaka-promising young directors ngayon na sina Mae Cruz, Dado Lumibao, John D. Lazatin, at Frasco Mortiz. Huwag palampasin ang star-studded celebrity movie ng taon na ipalalabas na sa Nobyembre 21 (Wednesday). Watch mo gyud!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply