Kapatid star Ritz Azul, virgin pa pero napapayag mag-cover sa FHM

PUMAYAG na rin ang Kapatid star Ritz Azul na maging cover sa men’s magazine FHM para sa November 2012 issue.

Usap-usapan na kaya napapayag si Ritz na magpa-pictorial ng sexy and daring ay dahil na rin sa kagustuhan niyang mapansin ang kanyang kagandahan, bukod pa sa may ipagmamalaki naman ang dalaga na isa sa leading ladies  ni Derek Ramsay sa bagong soap opera ng Kapatid Network, ang Kidlat. Ang isa pang leading lady ay si Nadine Samonte.

Buhat nang maging runner–up si Ritz sa Star Factor Search ng TV5, pinag-usapan na ang kanyang kaseksihan. Bukod sa may height ang dalagang taga-Pampanga, may ipagmamalaki siyang kaseksihan. Obvious bang siya na ang bagong papaya queen sa local entertainment industry?

Noon pang search ng Star Factor a year ago, napansin na ng press ang malaking boobs ni Ritz. Kaya di kataka-taka na nakuha agad siya ng FHM para magpa-pictorial ng sexy. Mas nakaiintriga pa sa dalaga, wala pa raw siyang nagiging boyfriend. Mahigpit raw kasi ang kanyang parents at lagi pang kasama pa ni Ritz sa kanyang showbiz assignments ang kanyang ama. Paano makalalapit ang boys ng TV5 na nag-aasam na maligawan siya?

Kahit may bagong batch na bagong sibol na artista ang TV5 na galing sa Artista Academy, di pa rin pahuhuli si Ritz pagdating sa ganda at talent kaya naman may career plan pa rin nakalaan kay Ritz ang TV5 Artist Center.

Di kaya ma-link rin si Ritz kay Derek? Alam naman nating weakness ni Derek sa mga babae ay ang boobie? Di ba si Angelica Panganiban ay boobsie rin? Ang tagal ng relationship ng dalawa noon!

000

MASAYANG ikunuwento ni Chariz Solomon sa set ng Magdalena na siya’y magpapakasal na sa Chinese boyfriend niya for 6 years na si Nestor Ng, Jr.

Ayon kay Chariz, first time lang nag-propose sa kanya si Nestor, sumagot agad siya ng “Oo” sa kasal. Katwiran niya, hindi na sila bumabatang dalawa. Si Nestor ay 33 years old, samantalang si Chariz ay 23 lang.

Dahil sa tagal ng kanilang relasyon, sigurado na si Chariz na si Nestor ang gusto niyang lalaking makasama habambuhay.

Kaya nang nagyayang pakasal, di siya nagdalawang isip na harapin ang pag-aasawa kahit siya’y 23 lang at papataas ang career sa showbiz.

Ani Chariz: “Kahit ako may-asawa na, tuloy pa rin ang acting career ko. Tuloy pa rin ang pagiging comedienne ko. Masaya ako sa showbiz, kaya di ko ito iiwan.”

Gagawa ng gown ni Chariz ay si Pepsi Herrera. Magatal nang pangako sa kanya ni Pepsi na kapag ikakasal siya ay siya mismo ang gagawa ng gown bilang regalo sa kanya. Kaya no. 1 sa listahan niya si Pepsi bilang isa sa mga sponsors ng kanilang kasal ni Nestor. Kasama rin sa sponsors sina Tirso Cruz III, Lyn Cruz, Marivin Arayata ng GMA 7, Tracy Garcia, Dra. Nina Rodil De Luna ng Dental Focus.

Ang mga abay naman na taga showbiz ay sina LJ Reyes, Jennica Garcia, Say Alonzo, JP Dizon, Bela Padilla at iba pa.

Gagawin ang wedding ceremony sa Shrine of Jesus sa MOA sa Dec 2, 2012 at sa Blue Leaf ang reception. Walang press na invited sa simbahan dahil bawal sa simbahan ang maraming camera. May 300 guests lang na invited na karamihan ay friends and relatives.

Samantala, sa Friday ay panauhin si Chariz sa Bubble Gang at kasama niyang panauhin sa longest running gag show sa bansa sina Pekto, Sheena Halili at Kevin Santos.

Tampok na gag ay cheer leader. Kasamang kinagigiliwang portions ang Pick Up Lines, Momoy Palaboy at Adik sa Lotto. Tampok sa BG ang tandem nina Ogie Alcasid at Michael V.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply