Karahasan ‘wag gamitin para manalo sa halalan – arsobispo

UMAPELA si Jaro Archbishop Angel Lagdameo sa mga kandidato sa 2013 midterm elections na maging mahinahon at huwag gumamit ng karahasan sa darating na halalan, partikular sa kanilang pangangampaniya, upang makatiyak lamang ng panalo.

Ayon kay Lagdameo, dating pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), dapat maging mapagmatyag at huwag matakot ang publiko na isuplong sa mga kinauukulan ang mga kandidatong gumagamit ng “guns, gold, at goons” para lamang maluklok sa kapangyarihan.

“I am appealing to all our candidates for our forthcoming election next year that while they campaign wholeheartedly, they should maintain peace, honesty and calmness in their campaign most especially in the Barangay areas when usually violence could erupt during the campaign or election period,” panawagan ni Lagdameo,  sa panayam ng church-run Radio Veritas.

Ang pahayag ni Lagdameo ay matapos na maalarma sa mga ulat ng pagpatay sa iba’t ibang panig ng bansa na may kinalaman sa darating na eleksyon.

Ayon pa kay Lagdameo, dapat na maging tunay na ehemplo ng kabutihan ang mga kandidato.

Iginiit din ng arsobispo na dapat mamayani sa puso at isipan ng mga kandidato ang katapatan at kapayapaan para sa maayos na eleksyon lalo na sa barangay level kung saan madalas nagaganap ang krimen.

Sinabi pa ng arsobispo na ang dapat na maging motibasyon ng mga kandidato sa pagkandidato ay ang mapagsilbihan ang mamamayan at ang bansa at hindi upang manalo lamang.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply