Kasambahay Bill, lusot na sa Bicam

kasambahay

MATAPOS abutin ng madaling araw kanina, kinumpirma ni Aurora Rep. Sonny Angara ang pagpasa sa Bicameral Conference Committee ng Kasambahay bill.

Ani Angara, naipasa rin ang Kasambahay bill matapos maplantsa ang mga gusot sa pagitan ng bersyon ng Kamara at Senado.

Wala na, aniyang, mabisang paraan para maipasa ang panukala kungdi ang pag-isahin ang panukala ng dalawang sangay ng Kongreso at mapagkasunduan ang isang high brid system para sa naturang panukala.

Napagkasunduan sa Bicam na tatanggap ng P2,500 na buwanang suweldo ang mga kasambahay sa Metro Manila, P2000 sa mga chartered cities at municipalities at P1,500 sa mga probinsya.

Samantala, ang mga benepisyo tulad ng Philhealth ay babalikatin ng employer kung mas mababa sa P5,000 ang sahod ng kasambahay samantalang kung mas mataas sa P5,000 pataas ang sahod ay paghahatian ng kasambahay at ng employer ang anumang dapat bayaran sa SSS at Pag-Ibig.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply