Kasambahay Bill, wala pa sa lamesa ni PNoy

HINDI pa nalalagdaan ni Pangulong Benigno Aquino III ang Kasambahay Bill dahil hinihintay pa ang transmission nito mula sa dalawang Kapulungan ng Kongreso.

Ito umano ang dahilan kaya wala pang maisagot ang pamahalaan sa dalawang milyon kasambahay na umaasa na mapipirmahan na ni Pangulong Aquino ang naturang panukalang batas.

“Hinihintay na lang din po naman natin ‘yung transmission ng bill,” ayon kay Deputy Presidential spokesperson Abigail Valte.

Umaasa ang Malakanyang na anumang araw ay maipapadala na sa kanila ang bersyon ng mga mambabatas ukol sa Kasambahay Bill.

Magugunitang bago nagtapos ang huling araw ng sesyon ngayong linggo ay
nailusot sa huli at ikatlong pagbasa ang House Bill 6144 na nakakuha ng 176 bilang ng boto mula sa mga mambabatas.

Nakasaad din sa panukala na dapat ang kontrata sa pagitan ng amo at kasambahay ay nakasulat sa salitang nauunawaan ng manggagawa at ganap niya itong sinasang-ayunan.

Dadaan na rin sa Regional Tripartite Wages and Productivity Boards ang pasahod sa mga ito at hindi batay lamang sa kagustuhan ng employer.

Kung makakaranas naman ng panggigipit, masamang pagtrato at iba pang pagsikil sa karapatan ay maaaring magbitiw ang isang kasambahay.

Ang mapapatunayang lumabag sa mga nakasaad sa kasunduan ay maaaring patawan ng P10,000 hanggang P40,000 na multa.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply