Kaso ng HIV sa Pilipinas nadagdagan ng 316

NAITALA nitong nagdaang Setyembre lamang ang pinakamaraming kaso ng human immunodeficiency virus (HIV) sa bansa.

Ayon kay LPGMA Partylist Rep. Arnel Ty, umabot sa 316 na kaso ng HIV ang naitala nito lamang nagdaang buwan ng Setyembre at 304 ay pawang mga lalaki at nasa 12 ang mga babae.

Kabilang aniya sa mga kasong ito ang 42 overseas Filipino worker, kung saan 38 ay mga lalaki, habang apat ay mga babae.

Dahil dito, umakyat na sa 2,466 ang kaso ng HIV sa Pilipinas mula noong Enero hanggang Setyembre ng taong kasalukuyan, o 48% na mas mataas kumpara sa naitalang 1,669 na kaso noong kaparehong panahon ng 2011.

Naitala naman ng National HIV and AIDS Registry, na nasa 10,830 ang kaso ng walang lunas na sakit, kung saan 92% dito ay dahil sa pakikipagtalik.

“The new legislation has become absolutely imperative to effectively suppress the HIV epidemic,” giit pa ni Ty.

Muli namang kinalampag ni Ty ang Malakanyang na sertipikahan na ang Aids Prevention and Control Law o House Bill 5312, na nakabinbin pa rin sa Kongreso.

Pangunahing layunin ng panukala na maamyendahan ang Aids Prevention and Control Law, na 14 na taon nang umiiral, at mapondohan ang National HIV and Aids Control Plan ng pamahalaan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply