Kaso ng HIV/AIDS sa bansa tumaas sa kakulangan ng info drive

INIHAYAG ng Department of Health (DoH) na kakulangan sa information drive ng Pilipinas ang nakikitang dahilan kung bakit tumaas ang kaso ng HIV/AIDS sa bansa.

Ito ay matapos na lumabas sa panibagong listahan ng United Nations-AIDS na ang Pilipinas ang isa sa may pinakamataas na kaso ng naturang sakit na tumaas ng may 25 porsyento.

Kahanay ng Pilipinas ang Bangladesh, Sri Lanka at Indonesia. Sinasabi ring ang pagggamit ng social media ang dahilan ng pagtaas ng kaso ng AIDS dahil dito nila nakikilala ang kanilang mga partner sa pakikipagtalik..

Ayon sa DOH, ang males having sex with males (MSM) ay isa rin sa itinuturong dahilan ng paglobo ng bilang ng maturing sakit bukod pa sa paggamit ng infected needle.

Umapela naman si Health spokesman Dr. Eric Tayag sa Kongreso na repasuhin ang Dangerous Drugs Act na magbibigay karapatan sa ahensya na magbigay ng malilinis na karayom.

Bukod dito, nakikipagtulungan na rin ang kagawaran ng kalusugan sa Lesbians, Gays, Transexuals at Bisexuals (LGBT) community para maipalaganap ang programa ng AIDS sa bansa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply