Kaso ng pagpatay sa ABS-CBN talent itinuturing na sarado na – Cerbo

MAITUTURING na sarado na ang kaso kaugnay sa pamamaslang sa model at talent ng ABS-CBN na si Julie Anne Rodellas.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) spokesman Chief Supt. Generoso Cerbo, bagama’t may ilan pang dawit sa krimen na
pinaghahahanap, maituturing pa ring lutas na ang kaso.

Sinabi ni Cerbo na ito ay matapos malansag ng mga awtoridad ang mismong mga utak sa pamamaslang kay Rodellas na sina Althea Altamirano at boyfriend nitong si Fernando Quiambao, Jr.

Lumitaw sa imbestigasyon na nangyari ang pagdukot sa biktima bandang alas-11:30 Martes ng gabi, Nobyembre 6 habang  naglalakad sina Altamirano at Rodellas sa labas ng Mall of Asia sa Pasay City.

Sa report, may pumarada sa kanilang tapat na isang sports utility vehicle (asul na Montero) at sapilitang isinakay ang biktima.

Napag-alaman din na ipinagbigay-alam ni Altamirano ang insidente sa mobile car ng Pasay Police ngunit hindi umano siya pinansin ng mga pulis.

Matatandaang may tama ng bala ng baril sa ulo at katawan ang biktima mula sa kalibre .45 baril matapos inihulog sa sasakyan sa may 18th Ave., Brgy. San Roque Quezon City dakong alas- 5:00 ng umaga.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply