Kaso vs Gacita brothers itinaas sa rape with homicide

IKINASA na sa attempted rape with homicide ang kaso ng magkapatid na Gacita na pumatay sa cum laude graduate ng University of Sto. Thomas (UST) na si Cyrish Magalang sa Bacoor, Cavite.

Ayon kay Cavite Police Provincial Director S/Supt. John Bulalacao, isinampa na ang kasong attempted rape laban sa magkapatid na Roel at Rolin Gacita bago mailibing ang UST alumna kahapon.

Kasong attempted robbery with homicide ang naunang isinampang kaso laban sa magkapatid na suspek.

Paliwanag ni Cavite Provincial Prosecutor Emmanuel Velasco, ang homicide ay generic lamang kaya dapat ay murder ang isasampa laban sa magkapatid na Gacita .

Malakas, aniya, ang ebidensya na magpapatunay na ginamitan ng puwersa ang biktima sa pamamagitan ng pagsaksak dito ng 49 beses at pagpalo ng hallow blocks sa ulo nito.

Gayunman, kung itataas ang kaso laban sa mga suspek ay dapat naisampa na ito sa korte bago pa man mailibing ang biktima kahapon.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply