Kasong frustrated murder vs Gatdula, reresolbahin

gatdula

RERESOLBAHIN ang kasong frustrated murder laban kay dating National Bureau of Investigation (NBI) Dir. Magtanggol Gatdula kaugnay sa umano’y tangkang pag-ambush kay NBI Deputy Dir. Rey Esmeralda at kapatid nito noong buwan ng Pebrero.

Sinabi ni Esmeralda na naghain ng motion for extension si Gatdula subalit hindi ito pinagbigyan ng korte kaya tinuldukan na ang preliminary investigation sa kaso.

Dahil dito inirekomenda ng Department of Justice (DoJ) na kasuhan ng frustrated murder si dating NBI Dir. Magtanggol Gatdula.

Damay din sa asunto sina business tycoon Tyrone Ong; Perfecto Villanueva; Ronnie Ong; Ramoso Ramos; Alfredo Compoc; Teodoro Abendano; Ricky Dacillo; Gerry Farillon; Jose Maglalang Jr.; Gino Eustaquio; Aljun Monticlaros at Alvin Monticlaros.

Matatandaang tinamaan ng ilang sugat si Esmeralda habang nagkabutas-butas naman ang sasakyan nito habang binabaybay ang Paco, Maynila.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply