Kasong isinampa ng BIR vs Pacquiao, ibinasura ng piskalya

TACURONG CITY, Sultan Kudarat – Ibinasura na ng City Prosecutor’s office ng Koronadal ang kasong isinampa ng Bureau of Internal Revenue (BIR-12) laban kay 8-division world champion at 8-division world champion at Sarangani Rep. Manny Pacquiao.

Ito ang kinumpirma sa Remate ni Rose Tamayo, information officer ni 8-division world champion Manny Pacquiao.

Dahil dito, nagpasalamat si Pacquiao dahil nabigyan nang paglilinaw ang kasong isinampa ng BIR laban sa kanya.

Matatandaan kamakailan na kinasuhan ng BIR si Pacquiao dahil sa hindi pagsumite ng mga hinihiling na mga dokumento kaugnay sa mga binayarang mga buhis.

Samantala, una nang nilinaw ng BIR na hindi tax evasion ang kanilang isinampa laban kay sa Peoples Champ ngayon kongresista ng lone district ng Sarangani Manny Pacquiao.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply