Kasong murder vs Reyes brothers, ibinasura ng CA

court-of-appeals

PINAWALANG saysay ng Court of Appeals ang kasong murder laban sa magkapatid na Coron Mayor Mario Reyes at dating Palawan Governor Joel Reyes.

Ito ay matapos na magpalabas ng desisyon ang CA na nagpapawalang bisa sa pagkakabuo ng DOJ panel of prosecutors na nagsampa ng kasong murder sa Puerto Princesa RTC laban kay Mayor Reyes at kapatid na si dating palawan Governor Joel Reyes kaugnay ng pagpaslang sa mamamahayag na si Doc Gerry Ortega

Sa 35 pahinang resolusyon ng CA 5th division nakitaan ng grave abuse of discretion sa panig ni Justice Secretary Leila de Lima ng hindi muna nito i-review ang resolusyon ng orihinal na panel sa kabila ng petition for review at sa halip ay bumuo agad ito ng bagong panel of prosecutor para magsagawa ng reinvestigation.

Iginiit rin ng CA na lumabis din sa awtoridad ang DOJ panel ng maglabas ito ng resolusyon na nag-amyenda sa orihinal na resolusyon ng unang panel.

Ito ay dahil sa ang inatasan lamang naman umano itong mag-assess ng mga bagong ebidensya sa kaso.

Kabilang sa mga miyembro ng ikalawang panel panel ay sina State Prosecutor Stewart Mariano, Assistant State Prosecutors Vimar Varcillano at Gerard Gaerlan.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply