Kataka-taka

raul_valino

SA mga umaasa sa perang padala sa kanila ng kanilang kamag-anak abroad ay nakabibingi ang balitang P41 na ang bawa’t dollar US.

Kung dati’y nag-uumapaw sila sa galak sa palitang P45-$1, kalungkutan ang kanila ngayong nararanasan. Paano na ang matrikula ng kanilang anak? At pang araw-araw na gastos?

Apektado rin ang ating exports dahil sa bawa’t isang dolyar na kita ng mga exporter ay P40 na lang ang halaga ng kanilang kikitain.

Siyempre, masaya naman ang ating mga importer. Biro ninyo, laking tipid na ang bawa’t import na ating binibili sa mga dayuhan.

Sakit naman ng ulo ito ng Bangko Sentral. Gusto ng Bangko Sentral na pahinain nang kaunti ang peso alang-alang sa mga overseas Filipino worker at mga exporter.

****

Masakit din ang ulo ng Smart Telecom at ng sister company na Sun. Sa laki ng kita ng Smart ay bakit kaya hindi nila mapigilan ang dami ng mga nagrereklamo laban sa mga kompanyang ito?

Mahina ba ang public relations officer ng Smart? Mukhang hindi nito kayang pagbutihin ang pampublikong imahe ng naturang kompanya. O baka naman talagang hindi efficient ang Smart?

Sa isang kapihan sa Davao City, binatikos ni Rep. Teddy Casiño ang mga malpractice sa telecom sector, lalo na sa mga nawawalang load ng prepaid users.

Si Ariel Sebelino, executive director ng Philippine Press Institute, ay nagrereklamo rin sa dropped calls ng Smart.

****

Sa nakabibinging concert ni Jennifer Lopez noong isang gabi sa Pasay City, mayroon yatang isang taong nagtakip ng tainga.

Nabingi yata si Senadora Miriam Santiago na naroon sa concert. Beh, buti nga, sabi siguro ng isang abogado sa impeachment trial ni Renato Corona, dating chief justice ng Supreme Court.

Ang naturang abogado ay nagtakip ng tainga dahil sa ingay ni Miriam.

Ang nakapagtataka ay bakit pa pumunta si senadora sa rock concert ni JLo samantalang ang gusto niya palang pakinggan ay mga kundiman at opera.

“I was shocked beyond belief at the attack, assault on my ears. It was so loud and there were so many people and they stirred themselves into a frenzy,” sabi ni Santiago.

“They were worshiping at the foot of someone, who was no longer human. They transformed her. She morphed into a digital idol,” reklamo niya.

Ang gusto pala ni Santiago ay classical music at opera at ballet, hindi rock-dance concert.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply