‘Katapat’ ni Mayor Lim at ilag si Sec. Roxas sa Region 8

HINDI si C/Supt. Elmer Soria na PNP Regional Director ng Region 8 ang pinangingilagan ni DILG Sec. Mar Roxas kung bakit hindi nito kayang iparatsada ang iligal na sugal sa nasabing rehiyon.

Kundi ang napakaraming politiko roon na patong o kaya ay mismong mga “financier” ng sugal na swertres!

Nang binanatan ni Roxas ang sugal sa mga lalawigan sa parteng Norte ay humanga tayo sa kanyang “political will” laban sa sugal.

Dahil alam naman natin na halos lahat sa mga ito ay nakakonek sa mga politiko.

At bilang tatakbong Pangulo sa darating na 2016 elections ay tiyak kakailanganin sila ni Sec. Mar Roxas.

Mali ako, parekoy, sa aking akala . . . maling mali. Pwe!

Lumalabas kasi na ang tunay na dahilan kaya binanatan ni Roxas ang sugal sa Luzon ay hindi dahil sa kanyang “political will” para walisin ang iligal na sugal.

Kundi sa “benggansa” laban sa mga kaalyado ni dating Pangulong Gloria Arroyo!

Dahil kung talagang gustong walisin ni Sec. Roxas ang iligal na sugal, eh, bakit sa Region 8 ay libre ang sugal?

Dahil ba gusto niyang marekupo ang tulong ng mga lokal na politiko sa nasabing rehiyon pagdating ng halalan sa 2016?

-o0o-

WALA na, parekoy, ang tikas ni Mayor Fred Lim ng Maynila!

Kung dati ay pinangingilagan siya ng mga iligalista sa kanyang nasasakupan, ngayon ay wala na siyang binesa!

Ginagago na lamang siya ngayon ng ultimong peryante!

Tingnan nyo, parekoy, itong tandem nina alyas Marisa at Roy na nakapwesto sa may Oxford St., Brgy. Bustillos, Sampaloc. Gabi-gabi ay dinu-dumog ito ng mga sugarol at menor de edad…pero  nasaan  ang  ka mandag ni Lim? Wala!

Wala ka na Mayor Lim, laos ka na! May pa-ingles-ingles ka pa na “the law must be applied to all, or none at all,” wala ka!!!

O baka naman nanga-ngatog na ang yagbols mo, meyor, na matatalo ka ni Erap dahil sa matinding suporta ng masa? Kaya pinagtitiyagaan mo pati ang mga peryante na kinukunsinte mo ngayon sa Maynila?

Laos ka na meyor!!!

REACTION / SUMBONG
09152121303/09098992775
jabriones10@yahoo.com

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply