Katarantaduhan ng SSS at ‘2M weekly’ kay NCRPO chief

WALANG konsensiya kung sinoman ang opisyal ng SSS na may pakana ng paniningil ng sobra-sobra sa mga pobreng SSS member!

Alam naman natin na talagang kapit sa patalim ang members kaya sila naglo-loan sa SSS lalo na pagkatapos ng kalamidad.

Kaya ang pagbayad pa lamang ng nasabing mga loan ay pahirapan na!

Pero hindi pa nakuntento ang punyetang “utak” nitong kalokohan sa SSS, aba ‘y sinobrahan pa ng animal ang computation ng kanilang pa-niningil na nagresulta ng sobra na nasa isang bilyong piso!

Tapos ngayon ay ikakatwiran na kesyo handa silang ibalik ang sobrang siningil!

Sa totoo lang, parekoy, ‘di ako naniniwala na ito ay aksi-dente lang o hindi sinadya.

Dahil sandamakmak silang  sumasahod ng malalaking ha-laga riyan sa SSS mula sa pera ng taumbayan dahil sila ay magagaling daw sa kwentada.

At kung ang pagkakamali sa kwentada ay maaari palang mangyari sa SSS, ibig sabihin ay sandamakmak silang inutil!

Paano na lang kung ang mali na kwentada ay detrimental sa pondo ng SSS?

Ibig sabihin ay bilyong halaga ng pera ng SSS contributors ang ipinagkatiwala sa mga kamay ng mga opisyal na inutil?

Kaya kung may hiya ang kung sinomang animal na opisyal ng SSS na responsable sa nasabing kagaguhan ay dapat na siyang lumayas! Kaagad!

Letse kang tangna ka! Pwe!

-o0o-

PATULOY ang weekly collection mula sa mga iligalista sa NCR nitong grupo ni Colonel Lee.

Sa  jueteng, bookies ng karera, video karera, sakla, perya, club na may bold shows at putahan sa massage parlors, iisang pangalan ang ikinakanta nitong mga pulis na sina Jiggs at Jun Bernardino.

Sila, parekoy, mga collectors umano ni Col. Lee na “bagman” umano ni NCRPO Chief Gen. Leonardo Espina.

Sa kwentada, tumataginting na dalawang milyong piso ang remittance tuwing Lunes na inihahatid umano ni Col. Lee sa opisina ni Gen. Leonardo Espina.

-o0o-

REACTION / SUMBONG
09152121303/09098992775
jabriones10@yahoo.com

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply