Katorse pasaway, ikinadena ng ama

KULONG ang isang ama matapos ikadena ang 14 anyos na anak na dalaginding dahil sa pagiging pasaway sa Caloocan City kagabi, Nobyembre 4.

Nakilala ang suspek na si Marcial Nolasco, 50, ng Libis Baesa ng lungsod.

Sa ulat, dakong alas-6:30 ng gabi nang igapos ng kadena sa paa ang anak na 14-anyos sa loob ng kanilang bahay matapos hindi umuwi ng dalawang araw.

Ilang kapitbahay ang naawa sa biktima na naging dahilan upang isumbong sa mga pulis ang pangyayari.

Nang puntuhan ay pinakawalan ang biktima habang dinala naman sa presinto ang suspek.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply