Kawalan ng korum: Kalbaryo ng pro-RH bill simula na

pro-rh-bill

RAMDAM na ang simula ng kalbaryo para sa mga pabor sa Reproductive Health bill (pro-RH bill) dahil sa kawalan ng korum. Ito ang ginawang pag-amin sa isang press conference ni Ifugao Rep. Teddy Baguilat.

Ayon sa kongresista, isa sa mga author ng panukalang RH bill, kahapon (Lunes, Nobyembre 12) ay nakatakda sanang simulan ang pagtalakay muli sa plenaryo ng panukala subalit naudlot ito.

Aminado si Baguilat, na karamihan sa mga kongresista ay naghahanda na para sa 2013 midterm elections.

Ngunit ngayong hapon ay umaasa si Baguilat na maisasalang ito sa plenaryo.

Samantala, muling magpapatawag ng all member caucus si House Speaker Feliciano Belmonte upang alamin kung gaano pa karami ang sumusuporta sa RH bill.

Patuloy aniyang lumalabo ang tsansa na maipasa ito kahit kasama ito sa priority bills ng Kamara.

Maging si House Majority Leader Neptali Gonzales II ay umamin na rin na nahihirapan silang maikalendaryo ang RH bill dahil sa kawalan ng korum.

Naunang bumuo ang Kamara ng isang komite na siyang tatalakay at magkakasundo ng iba’t ibang bersyon subalit hindi pa rin ito maisalang sa botohan.

Ang caucus ay isesentro umano kung isasalang pa ba o hindi na sa plenaryo ang RH bill.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply