Kawani ng DILG na nanapak sa MMDA constable kakasuhan ng administratibo

KASONG administratibo ang isasampa laban sa isang empleyado ng Department of the Interior and Local Government na nanapak sa isang traffic constable ng Metro Manila Development Authority (MMDA) nitong nakaraang Lunes.

“I have already ordered to start the procedure for the filing of an administrative case against Arvin Vinluan. This is a matter that will not be tolerated at the DILG and all other offices under it,” pahayag kaninang umaga ni DILG Secretary Mar Roxas.

Si Vinluan ay Local Government Operations Officer ng DILG Region IV-A (Calabarzon) habang ang inatake naman nito ay si MMDA traffic constabale na si Jonard Jeramil.

Idinagdag pa ni Roxas na “The days of ‘ayusan’ and ‘pakiusapan’ are over. This administration has been very clear and consistent that it will pursue a policy of ‘matuwid na daan.’ This policy applies of all kinds of abuses from ‘wang-wang’ up to government employees who recklessly use their position to their advantage.”

Ayon sa ulat, naganap ang pananapak ni Vinluan kay Jeramil sa Espana, Manila nitong nakaraang Lunes ng umaga.

Sinabi ng testigong si Conrado Asprer, isa ring MMDA constable at kasamahan ni Jeramil na hinuli nito si Vinluan dahil sa kasong jaywalking pero hindi siya pinansin nito.

Sa halip, sumakay si Vinluan sa isang commuter van at nang umandar na ay pinara naman ni Jeramil ang tsuper ng van.

Sa puntong ito, bumaba si Vinluan mula sa van at kinompronta si Jeramil. Sa gitna ng pagtatalo, sinuntok ni Vinluan si Jeramil sa mukha.

Itinulak din ni Vinluan si Jeramil na halos humampas ito sa kalsada. Ang nasabing insidente ay nakuhanan CCTV camera na nakakasa sa parte ng Espana.

Sa ulat ng media, naayos na ng dalawa ang kanilang sigalot, ngunit sinabi ni Roxas na hindi ibig sabihin nito ay hindi na tuturuan ng leksyon si Vinluan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply