KC Concepcion pinaka-class sa mga nag-endorso ng alak

KC-Concepcion

DI lang namin knows kung naipalaam ba si KC Concepcion sa kanyang loving Mom na si ‘Nay Sharon Cuneta ang pag-eendorso niya ng alak at the same time calendar girl nito sa 2013.

Kung matatandaan, majority kasi ng mga nagiging celebrity endorser ng nasabing brand ng wine ay puro naghuhubad sa big screen.

Kinuha na rin rito ang mga rating alaga nina late Rey dela Cruz at Babette Corcuera pero habang nagtatagal, mga de primera klaseng hubadera tulad nina Cristina Gonzales, Nina Jose, Carla Abellana, among many others, ang kinukuha ng company maker ng mga inuming panlalaki.

Kaya naman kahit na medyo shock kami, ganon na rin ang ibang nagmamahal kay KC, katanggap-tanggap naman ang pag-pose nito ng sexy bilang newest endorser ng alak na ‘to.

Sa kanyang white swimsuit, lutang na lutang ang kaseksihan ni Kassandra at class na class ang dating at di bastusin.

Kung tutuusin ay pwedeng-pwede na siyang isalang sa mga mature roles pero sabi hangga’t maari ay sa magazine at calendar lang magpapakita ng kanyang slight lang naman na skin ang sikat at magandang daughter ng megastar.

Dapat lang naman para mapanatili pa rin niya ang kanyang wholesome image gyud!

***

Suddenly It’s Magic nasa 3rd week na kaya tigilan na ang paninira

MAY ilang mga kapatid tayo sa hanapbuhay na nagne-nega sa first movie team-up ng famous at super good looking na Thai actor na si Mario Maurer at maganda at mahusay na Kapamilya young actress na si Erich Gonzales na Suddenly It’s Magic! Magsitigil nga kayo sa inyong paninira, noh?

Hindi naman siguro aabutin ng 3rd week at going to 4th week na ang nabanggit na romantic comedy movie ng Star Cinema kung hindi ito totoong kumikita sa takilya.

Naku! Ang sabihin n’yo ay insecure lang talaga kayo dahil hindi ninyo matanggap na number one movie outfit ngayon ang Star Cinema.

Sa sunud-sunod nilang hit movies ay hindi kasi kayo makahabol kaya gumagawa kayo ng tsismis! Basta maganda ang box office results ng Suddenly It’s Magic at patuloy na pinipilahan hanggang ngayon sa mga theaters nation wide.

I’ve heard na may follow-up movie na si Mario sa Star Cinema. Hindi naman siguro kukunin uli ang serbisyo nito kung nag-flop ang movie niya with Erich, di ba? Sana kapag nag-pushtrough ang plano ay si Vice Ganda naman ang itambal ng Star Cinema sa papable at super fresh at yummy si Mario. Bagay na bagay sila gyud!

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply