Kelot arestado sa pangmomolestiya ng nene

ARESTADO ang isang 20-anyos na lalaki matapos hipuan at molestiyahin ang isang 10 taong gulang na batang babae sa Sampaloc, Maynila, Huwebes ng gabi.

Sa ulat ng pulisya, nakilala ang suspek na si Antonio Abeleta at residente ng Barangay 621 Zone 62 Cordelera sa may kanto ng Bacood St, ng nasabing lugar.

Sa pahayag ng biktimang itinago sa pangalang Kristel” tinawag siya ng suspek na kanilang kapitbahay at may ipinanood sa kanyang malaswang panoorin sa cellphone nito.

Habang ipinapanood ang malaswang video ay bigla na lamang siyang hinipuan at hinalikan ng suspek.

Tiyempo namang tinawag ang biktima ng kanyang ama kaya nagtatakbo ito pauwi at saka isinumbong ang ginawa ng suspek sa kanya.

Bunsod nito, agad na inaresto ang suspek at dinala sa himpilan ng pulisya.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply