Kelot binoga ng kaaway, patay

PATAY ang isang lalaki matapos na pagbabarilin ng dalawang di nakilalang lalaki kagabi sa Malate, Maynila.

Sa inisyal na report, nakilala lamang ang biktima sa alyas na “Glen” na nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan.

Ayon sa guwardiyang si Erwin Cula, napansin umano nitong nagtatalo ang biktima at dalawang di nakilalang suspek habang pababa sa ikalawang palapag ng isang establisimyento.

Tinangka namang awatin ni Cula ang kanilang pagtatalo nang biglang tumakbo ang biktima na hinabol naman ng mga suspek.

Pagsapit sa Maria Orosa St., sa Malate, Maynila ay pinaputukan ng mga suspek ang biktima ng ilang ulit dahilan upang siya ay tamaan at bumulagta.

Mabilis namang tumakas ang mga suspek matapos ang pamamaril.

Narekober naman sa crime scene ang limang basyo ng .9mm pistol.

Inaalam naman ng pulisya ang tunay na motibo sa pamamaril sa biktima.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply