Kelot binoga ng riding in tricycle, dedo

crime6

BUMULAGTA ang isang 40 anyos na lalaki matapos itong barilin ng dalawang suspek na nakasakay ng tricycle habang may hinihintay sakay ng kanyang motorsiklo ngayong tanghali sa Tondo, Maynila.

Sa inisyal na report ng pulisya, dakong alas 12:00 kaninang tanghali nang maganap ang insidente  sa Tuazon at Kagitingan St., sa Tondo, Maynila.

Nabatid na nakaupo ang biktima sa kanyang motorsiklo nang daanan siya ng mga suspek lulan ng trycicle.

Pagtapat sa biktima ay agad itong binaril sa batok dahilan upang bumagsak ang kanyang motorsiklo.

Habang isinusulat ang balitang ito ay patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya sa insidente.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply