Kelot dumayb mula sa flyover sa Pasig, kritikal

KRITIKAL ang isang lalaki matapos na tumalon mula sa flyover sa Meralco Avenue, Pasig, Biyernes ng mdaling araw, ayon sa ulat sa radyo.

Kinilala ang biktima na si Edmond Primo na agad na dinala sa ospital para malapatan ng lunas.

Ayon pa sa ulat, nagsisisigaw pa si Primo bago tumalon sa flyover at sa halip na bumagsak sa lupa ay sa isang kotse lumagapak ang biktima.

Nayupi ang binagsakang kotse ng biktima dahil sa tindi nang pagbagsak nito.

Inaalam na ng awtoridad kung ang biktima ay may diperensiya sa pag-iisip o kung nasa impluwensiya ng ipinagbabawal na droga.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply