Kelot dumayb sa ilog, nawawala

PATULOY na pinaghahanap ang isang hindi nakilalang lalaki makaraang tumalon sa ilog na sakop ng Barangay 150 sa Rajah Bago, Tondo, Maynila.

Ayon kay Ric Cayabyab, isang opisyal ng barangay, nakita niya ang lalaki na kakaiba ang kilos na hinihinalang nasa impluwensiya ng iligal na droga.

Nabigla umano siya nang bigla na lamang tumalon ang lalaki sa ilog.

Ayon pa kay Cayabyab, pinapaahon pa niya ang lalaki kasama ang ilang mga barangay official ngunit tumanggi ito.

Imbes na magpaawat ay lumangoy pa ito at nang makarating sa malalim na bahagi ay kinapos ito ng hininga at lumubog.

Inilarawan lamang ang lalaki na nakasuot ng brown na T-shirt at shorts, may taas ng 5’7.

Kinumprima rin ng mga opisyal ng barangay na hindi tagaroon ang biktima.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply