Kelot ginilitan, patay sa Sarangani

crime6

TACURONG CITY, Sultan Kudarat – Hindi na umabot nang buhay sa ospital ang isang laborer matapos gilitan ng nakaaway na delivery boy sa leeg sa Kalapidong, Glan, Sarangani province.

Sa panayam ng Remate kay P02 Romeo Arroyo ng Glan-PNP, ang biktima ay nakilalang si Gullas Deco, 31, at residente ng Kalapidong, Glan, Sarangani.

Una rito, nagwala umano ang biktima kaya nagalit ang suspek na si Ernie Eta, 22, isang delivery boy kaya sinundan sa kanyang pag-uwi at doon nangyari ang krimen.

Ayon sa report, nagtamo ang biktima ng sugat sa tiyan, kamay at dibdib maliban pa sa sugat sa leeg matapos na ginilitan ng suspek gamit ang kutsilyo.

Nagtangka pang tumakas ng suspek ngunit naaresto sa isinagawang follow-up operation.

Si Eta ay nakakulong na sa Glan-PNP at nahaharap sa kaso.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply