Kelot gustong malasing, nagnakaw ng alak

SA kagustuhan malasing subalit walang pera, nang-umit ang isang kelot ng alak sa Caloocan City kaninang umaga, Nobyembre 27.

Nakilala ang suspek na si Archie Del Rosario, 31 ng Tandang Sora, Quezon City.

Sa imbestigasyon ni PO2 Jonathan David, dakong alas-11:30 ng umaga, pumasok ang suspek sa Robinson Supermarket sa loob ng Victory Mall sa Monumento ng lungsod at pumitik ng 1 litter na Fundador na inilagay sa dalang bag.

Nahuli naman sa closed circuit television ang ginawa ng suspek na naging dahilan upang abangan sa labas bago dinakip at dinala sa presinto.

Nabatid na gusto umanong uminom ang suspek subalit kapos ang budget.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply