Kelot hinimatay sa Ermita, Maynila patay

crime8

BIGLANG humandusay sa semento at wala ng buhay ang isang lalaki matapos itong mag-collapse kahapon ng tanghali sa Roxas Boulevard sa Ermita, Manila.

Nakilala sa pamamagitan ng identification card na nakuha sa bulsa ng biktimang si Restituto Ofiasa Y Bandilla, nasa hustong gulang ng San Miguel Subdivision, Agoo, La Union.

Batay sa ulat ng Manila Police District-Crime Against Persons Investigation Section, nakita na lamang ng isang Ryka Taib, 52 anyos, vendor sa gilid ng Museo pambata sa panulukan ng T.M Kalaw at Roxas Boulevard na biglang nag-collapse ang biktima bandang 11:15 ng tanghali.

Nabatid sa report ng pulisya, matagal na umanong may sakit ang biktima dahil malimit umano itong matamlay kapag nagrarasyon ito ng mga straw ng softdrink sa kanyang mga suking vendor sa lugar.

Pansamantalang inilagak ang labi ng biktima sa St.Yvan Funeral Morgue, habang hinihintay ang kamag-anakan nito na magki-claim sa bangkay.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply